^

PSN Opinyon

Peligro ng baha

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI dapat binabalewala ang mga peligrong dulot ng baha. Kumpirmadong dalawa ang namatay matapos makuryente habang naglalakad sa baha sa Maynila. Ang isa, medical student ng UST na bigla na bumulagta nang hawakan ang isang poste sa España Blvd. Ang isa naman ay bigla na lang nangisay habang naglalakad sa baha, sa España rin. Parehong dinala sa ospital pero huli na. Kailangan itong imbestigahan ng Meralco kung bakit sa España naganap ang dalawang insidente. Ano ang dahilan kung bakit nakuryente nang hawakan ang poste, at bakit nakuryente habang naglalakad sa España.

Kaunting ulan lamang ay nagbabaha sa España kaya dapat pag-aralan ng Meralco na kapag nagsimula nang magbaha, patayin ang kuryente sa lugar. At ano ang naging koneksyon ng paghawak sa poste? Grounded na ba ang poste nang hindi alam ng Meralco? Normal ba iyan?

Hindi malakas na hangin ang dala ng bagyong Mario kundi mala-delubyong ulan. At alam natin na kapag malakas ang ulan, siguradong magbabaha, lalo na sa mga kilalang lugar tulad ng España, E. Rodriguez, G. Araneta, Marikina at Cainta. Hindi kaya pinapatay na kaagad ang kuryente sa mga lugar na iyan kapag bumuhos na ang ulan? Katulad nitong bagyong Mario, dalawa ang namatay dahil nakuryente. Para lang makasiguro na hindi na mauulit ang mga trahedyang ito.

Maliban sa kuryente, mikrobyo rin ang dulot ng paglalakad sa baha. Dahil hindi nga malinis ang ating kapaligiran, kapag nagbaha na ay naghahalo-halo na lahat ng basura sa tubig. Kung maaari ay huwag nang lumusong sa baha at baka kung anu-anong sakit pa ang makuha, tulad ng leptospirosis.

Hindi talaga maiiwasan ang pagbaha sa Metro Manila. At ang pahayag ng DPWH na konting tiis pa dahil hindi mawawala ang pagbabaha hanggang matapos ang mga proyekto nila. Kung kailan iyan ay hindi pa matiyak. Nasa kalagitnaan pa lang tayo ng tag-ulan, at maaasahan natin na hindi ito ang huling bagyong magdadala ng mala-delubyong ulan. Walang masama sa paghahanda, at ang mga handa sa ganitong klaseng mga sitwasyon ang mas nakakabangon kaagad.

vuukle comment

ANO

ARANETA

CAINTA

ESPA

MARIO

MERALCO

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with