^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nasaan si Purisima?

Pilipino Star Ngayon

DUROG na durog na sa batikos ang Philippine National Police (PNP) mula nang mangyari ang pangingidnap ng mga pulis La Loma sa dalawang negosyante sa EDSA, Mandaluyong noong Set­yembre 1. Halos araw-araw, laman ng balita ang pangingidnap ng mga pulis.

Subalit ang nakapagtataka, ang hepe ng PNP ay hindi makita. Nasaan si Gen. Alan Purisima? Bakit hindi siya lumalantad at nagpapaliwanag sa kidnapping incident na kinasasangkutan ng mga pulis. Sa halip ay si DILG Sec. Mar Roxas ang tumutok sa pangyayari at nangako na hindi raw nila bibitawan ang kaso. Mayroon daw kahihinatnan ang kaso.

Marami ang nagtatanong kung bakit si Roxas ang umaako sa papel ni Purisima? Oo nga’t ang PNP ay nasa ilalim ng DILG pero hindi ba’t ang PNP chief ang dapat sumagot sa mga katanungan lalo na’t ang sangkot ay mismong mga kagawad ng PNP. Kahapon, nagkaroon ng press confence sa Camp Crame at si Roxas na naman ang nagsasalita para sa PNP.

Maski si Sen. Grace Poe ay nagtataka na rin kung bakit hindi makita si Purisima. Nagsasagawa ng hearing ang committee na pinamumunuan ni Poe ukol sa mga krimen na kinasasangkutan ng mga pulis at nagtaka siya nang hindi dumalo ang PNP chief. Umano’y pinadalhan nila ng sulat si Purisima at nagpasabi naman na dadalo. Sabi ni Poe, dapat dumalo si Purisima para maipagtanggol ang sarili. Dapat magsalita ito sa publiko.

Dahil sa sunud-sunod na mga krimen at sa pagkakasangkot ng mga pulis sa kidnapping, pinagbibitiw ng ilang sector si Purisima. Hindi raw ito epektibong pinuno ng PNP. Hindi raw ito kailangan sa puwesto.

Pero hindi pa rin lumantad si Purisima at sa halip, pinagtanggol at pinuri pa siya ni President Noynoy Aquino noong Setyembre 12. “Totoong may scalawag, pero sino po ba ang nakahuli sa mga nang-hulidap sa EDSA? Mga pulis din po. Sa pamumuno ni General Purisima, ang nag-imbestiga, tumugis, at nakadakip sa mga salarin na ngayon ay kinasuhan na, kapwa po nila pulis. Makatuwiran po bang pagbitiwin sa puwesto si General Purisima na namumuno sa mga pulis na ginagawa nang ma­husay ang kanilang trabaho?”

Hmmm. Kung hindi sa social media, hindi mabubulgar ang kidnapping sa EDSA. Nang mangyari ang insidente, wala man lang nagpapatrulyang pulis sa lugar. Nasaan ang mga pulis ng oras na iyon? Nasaan ang sinasabing police visibility? Nasaan nga ba si Purisima?

vuukle comment

ALAN PURISIMA

CAMP CRAME

GENERAL PURISIMA

NASAAN

PNP

PULIS

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with