^

PSN Opinyon

Under control

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SANGKATUTAK na mga retired at active military ang nagsasabing palipad hangin lamang ang bantang kudeta para patalsikin sa kanyang kaharian si P. Noy at palitan ito ng bagong ‘hari’ dyan sa palasyo.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana magkatotoo ang sinasabi ng ilang politiko at militar na wala ng sasama sa pinauugong na kudeta para ilunsad pa ito dahil nga naman kalmado ang Armed Forces of the Philippines my Philippines kasi naman maganda na ang kasalukuyan mga benepisyo nilang natatanggap at maging ang mga armas nila ay mga makabago at ang maganda dito ay dahil hindi na sila pinababayaan ng government of the Philippines my Philippines.

Sabi nga, spoiled na sila?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi tulad noon mga nakaraan panahon ang mga gamit nilang military boots ay butas ang mga ginagamit nilang bala para sa kalaban ay hindi pumuputok kaya tuloy sila ang nangamatay pagdating sa bakbakan blues.

Ika nga, dud?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi dapat magpabaya ang mga intel community para tiktikan ang anuman hakbang ng mga disgrantled soldier kung mayroon man dahil hindi basta - basta inilulunsad ang kudeta kung walang sumusulsol o  kaya hindi rin ito matutuloy kung pinaiingay.

Bakit?

Sagot - maghahanda ang kalaban.

Remember last 1986 nataranta ang mga Marcos loyalist ng mabalitaan nilang nagkaroon ng baliktaran blues sa militar at maging kaalyado ni Macoy ay ayaw ng sumama sa kanya kahit na matindi ang intel networking nila noon.

Ika nga, marami ang na supply este mali suprise pala!

Kaya ang nangyari noon nag-say goodbye si Macoy at pumunta ng Hawaii!

Ganito rin noon panahon ni Tita Cory biglaan nagkaroon ng himagsikan tahimik ang paligid at ang madlang pinoy noon kaya tuloy nagkaroon ng biglaan ng umatake ang mga kumalaban sa gobierno.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, buti na lamang at kumampi ang US of A kay Tita Cory kung nagkataon ‘goodbye Malacañang’ din ito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat pagtuunan ng pansin ng gobierno, militar at maging pulisya kung tsimis man ang sinasabing kudeta hindi dapat sila magtiwala kahit papaano may mga nag-aalburoto sa ilalim.

Sabi nga, tulad ng bulkan sinasabing nag-aalburoto at anuman oras ay sasabog pero dahil sa maagap na impormasyon para sa madlang people hindi natutuloy ito.

Ika nga, may warning sign! 

Paano ngayon kung matuloy?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat makalma ang madlang public kahit papaano ay maganda na ang takbo ng ekonomya sa Philippines my Philippines halos maraming bansa ang nagtitiwala sa gobierno at madlang pinoy kaya mas mainam kung walang gulong mangyayari dahil kapag nagkataon at nagkatuluyan back to zero ulit tayo dahil alaws investors ang maglalagak ng piyansa este mali puhunan pala kung may problema sa atin.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung magkatuluyan malamang ‘bloody’ confrontation na ito.

Sabi nga, Hoy Gising!

Abangan.

 

NBI at ang price manipulator ng bawang

 

MATINDI ang ginawang casing ng NBI sa mga bawang hoar­der at price manipulator dahil nakuha na raw nila ang mga ito?

Asan ang mga pangalan nila, sinu-sino sila?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi birong pahirap ang ginawa ng mga kamoteng bawang price manipulator sa madlang pinoy dahil isinagad nila ang presyo nito na halos hindi na mabili ng mga mahihirap na madlang people.

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sana next week ihayag ng NBI ang kanilang findings at mga pangalan na sasampahan nila ng kaso.

Abangan.

 

vuukle comment

ASSET

AYON

DAHIL

IKA

KUNG

KUWAGO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with