^

PSN Opinyon

Apat na ang nakatakas

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DALAWAMPUNG miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na sangkot sa hazing kung saan napatay si Guillo Cesar Servando ang kinasuhan na. Dalawa sa listahan ay mga babae. Balita ko nakikiusap pa ang ama ng isa sa mga babae sa ama ni Servando na huwag kasuhan ang anak niya. Bakit kaya walang nakiusap na itigil na ang hazing at masyado nang nasasaktan ang mga neophyte? Pero apat sa mga kinasuhan ay umalis na ng bansa, kaya sigurado tumatawa na sila dahil nakawala sa batas. Siguradong may kasalanan dahil tumakas na.

Tama ang sinabi ng isa kong kaibigan na dapat magalit na ang buong bansa sa nagaganap na hazing. Hindi ko tinutukoy ang mga mambabatas at abogado na miyembro ng mga fraternity na lumalabas sa TV at sinasabing mali ang hazing, kung sila mismo ay dumaan din doon. Mga nagmamalinis at nagpapapogi lang sa harap ng matinding kritisismo sa sistema ng fraternity. Baka sumali pa nga sila sa pagpalo ng mga neophyte, isang bagay na siguradong hindi nila aaminin ngayon, dahil mambabatas na sila.

Dapat umusad ang kasong ito hanggang sa may mapatunayang may sala, at maparusahan. Halos lahat ng kasong hazing kung saan may namatay ay wala namang nakukulong, dahil na rin sa nababaon sa limot, o kaya dahil sa areglo. Hindi ko maintindihan kung bakit makikipag-areglo sa mga taong pumatay sa mahal mo sa buhay. Kailangang ipakita na malupit ang batas para sa mga lumalabag sa hazing. At hindi dapat mawalan ng interes ang lahat. Nabibigyan lang ng pansin kapag may napapatay na. Dapat ituloy ang galit, ituloy ang indignasyon.

Nabalitaan ko rin na may isang gustong maging testigo para sa prosecution. Pag-aralan na muna nang husto, at baka naman siya ang may pinakamalaki at malupit na partisipasyon sa hazing. Pero hindi ako naniniwala na babanggain niya ang kanyang mga “brod”. Hindi kaya takutin lang ng mga alumni ng Tau Gamma Phi? Kapag nangyari iyan, wala na ang kanyang pagiging testigo. Ganyan ang kapangyarihan ng fraternity. Kaya kapag nakapatay, wala sa kanila iyon. Ang laging talo ay ang biktima at kanyang kapamilya. Kailangang mabago na iyan.

vuukle comment

BAKIT

DALAWA

DAPAT

GANYAN

GUILLO CESAR SERVANDO

HAZING

KAILANGANG

PERO

TAU GAMMA PHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with