^

PSN Opinyon

Ubos ang mga senador!

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG totoong 19 na senador ang idinawit ni Janet Lim Napoles sa P10 bilyong pork barrel scam, halos wala nang senador na matitira kapag kinasuhan ang lahat ng ito at inaresto. Wala nang mag-iimbestiga in aid of legislation.

Hindi lang natin malaman kung kasama na sa bilang na ito sina Sen. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla at kung mayroon bang mga dating senador ang kasama sa mga idiniin ni Napoles.

Pero pagpalagay nang may mga ex-senators sa listahan, kung susumahin ay malaking bilang pa rin ang malalagas at hindi na makakakilos ang Senado dahil ang bilang ng mga senador ngayon ay 24 lang. Ibawas ang 19 eh di lima na lang ang matitira.

Ayaw kasing idetalye ni Justice Secretary Leila de Lima ang salaysay sa kanya ni Napoles.  Maaaring may balidong dahilan si de Lima kung bakit ayaw pa niya itong isiwalat pero ito’y bagay na kailangang paghandaan sa­kaling kasuhan ang nakararaming senador.

Ano ba ang mangyayari, special elections o iaakyat na lang yung mga natalo noong eleksyon?

Wala yatang probisyon sa Konstitusyon tungkol sa ganitong scenario. First time in (world?) history ito kapag nangyari! Pang-Guinness Book of World Records!

Kaya noon pa man ay ibig ipa-subpoena muli ni Sen. Miriam Santiago si Napoles para malaman kung sino ang labingsiyam na senador na ito.  Ngunit kung totoo man ito, malamang hindi kasali yung mga bagito o yung ngayon pa lang naupo tulad nina Sen. Grace Poe, Nancy Binay, Bam Aquino, Sonny Angara at JV Ejercito.

Magugunita na tiniyak ng Palasyo na walang sasantuhin ang Pangulo kahit pa ang kanyang mga kaalyado kapag nasangkot sa ano­malyang ito.

Heto nga lang pagkawala nina Enrile, Estrada at Revilla kapag sila’y sinilbihan na ng warrant of arrest ay malaki nang kabawasan sa Senado. Non-bailable kasi ang plunder­ at tiyak na kalaboso ang babagsakan nila.

vuukle comment

BAM AQUINO

GRACE POE

JANET LIM NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

JUSTICE SECRETARY LEILA

KUNG

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with