^

PSN Opinyon

Bakit kaya bumalik?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TAPOS na ang Semana Santa at balik trabaho na rin ang lahat. At laman nga ng halos lahat ng pahayagan, pati na rin news websites ang pagbalik ni Atty. Jessica “Gigi” Reyes noong Sabado, para harapin ang kasong pandarambong na isinampa sa kanya. Ayon kay Sen. Mirian Santiago, wala nang ibang magagawa si Reyes kundi maging testigo para sa gobyerno. Naghain na ng mosyon ang senadora para maglabas ng subpoena kay Reyes at papuntahin sa Senado. Lahat ay gustong marinig ang kan-yang mga sasabihin.

Ayon naman kay Sen. Jinggoy Estrada, isa sa mga akusado sa PDAF scam, hindi raw ilalaglag   ni Reyes ang dating boss na si Sen. Juan Ponce Enrile para lamang makalusot sa mga kaso. Kampante si Jinggoy na hindi sila ilalaglag ni Reyes. Bumalik daw si Reyes para ha­rapin ang mga kaso, at hindi maging isang testigo para sa gobyerno. Kilala raw niya si Reyes at wala sa kanyang karakter na maglaglag ng tao. Pero bakit umalis pa ng bansa si Reyes kung walang ka­salanan at walang itinatago?

Sa kabila ng hikayat ni Santiago na magsalita na si Reyes sa nalalaman hinggil sa PDAF scam, hindi pa sigurado kung ito nga ang pakay ng kanyang pagbalik. Kahit ang abogado ng whistleblowers ay hindi naniniwalang magsasalita si Reyes. Ganito rin ang tingin ng ibang mambabatas. Bu-malik daw para harapin ang mga akusasyon sa kanya, at hindi para tulu-ngan ang gobyerno. Kaya tila hindi pa oras para magsabing may mabigat na testigo muli ang gobyerno sa kaso. Bakit nga kaya bumalik?  

Parang bumagal na nga ang takbo ng kasong ito. Nasa US si Jinggoy. Si Sen. Bong Revilla naman ay nakabiyahe na ng Holy Land at nakabalik na rin. Bumalik ng US si Ruby Tuason pero babalik daw. At si Janet Lim Napoles ay nasa ospital, magpapaopera. Kaliwa’t kanan ang pag-antala sa kasong ito. Sadya ba o nataon lang? Kung ako ang tatanungin, lahat ito ay planado. Patagalin hanggang sa mawalan na rin ng gana ang mga testigo, hanggang sa mawalan ng buwelo ang kaso at mawalan ng inte­res ang tao.

vuukle comment

AYON

BONG REVILLA

BUMALIK

HOLY LAND

JANET LIM NAPOLES

JINGGOY

PARA

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with