^

Metro

5 huli sa baril at droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong babae at dalawang lalaki na sinabing tulak ng droga ang nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) na nakum­piskahan ng baril at droga sa isinagawang buy bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mga nadakip na suspek na sina Pearl Joy Orde, 27; Bambam Polgo, 32; Arlen Jumawan, 38; Noemy Uy, 20 at Arvic Ehino, 27 na pawang residente ng Brgy.Bagong Pagasa, Quezon City.

Ang lima ay nadakip dakong alas-3:00 ng hapon sa San Roque 2, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Ayon kay Gen. Eleazar, mismong mga residente ang nagsumbong sa QCPD hinggil sa pagtutulak ng droga ng mga suspek sa kanilang lugar.

Agad na nagsagawa ng surveillance operation ang mga tauhan ng Station 2 Drug Enforcement Unit. Nang makumpirma na positibo ang reklamo ay nagsagawa ng buy bust operation na nagresulta ng pagkakadakip sa lima.

Nakuha ng pulisya sa mga suspek ang nasa 8 plastic sachet na naglalaman ng droga, iba’t-ibang drug paraphernalia, isang kalibre 38 baril na may anim na bala.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa  R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).??

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with