^

Metro

Mahabang pasensya, baunin ng mga motorista

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

Trapik lalong titindi

MANILA, Philippines — Kailangang magbaon na ng mas mahaba pang pasen­siya ang mga motorista, dahil mas bibigat pa ang daloy ng trapiko na mararanasan ng mga ito sa area ng Quezon City sa mga susunod na araw bunsod ng instalasyon ng construction equipment sa ginagawang Metro Rail Transit (MRT) Line 7.

Paalala ito kahapon ng Metropolitan Manila Develop­ment­­ Authority (MMDA) para sa maapektuhang mga motorista.

Ayon kay  MMDA operations supervisor Bong Nebrija,  ang maapektuhang area ay ang North Avenue, Agham Road  at  Mindanao Avenue at mas mabigat na daloy ng trapiko ang mararanasan dito.

Kung kaya’t nitong nakaraan pang linggo nagkasa sila ng clearing operation sa Road 3, Road 1, Congressional Ave­nue na siyang magiging alternatibong ruta ng mga moto­ris­tang maapektuhan.

Limitado lamang ang lanes para sa mga motorista upang bigyan daan ang construction activities ng naturang proyekto.

Sabi ni Nebrija, nakipagpulong sila sa mga opisyal ng  EEI Corporation, ang construction company ng MRT 7, para pag-usapan ang mga solusyon kontra trapik.

Inilatag din ng MMDA ang mga restrictions na siyang su­sundin habang ongoing ang proyekto para hindi ito maka­abala sa pagmamantina ng daloy ng trapiko.

“Contractors must not obstruct traffic, especially in parking­ their equipment along the roads. They cannot just move their vehicles and equipment, like backhoe, during daytime and rush hours,” ani  Nebrija.

Papatawan ng multang P25,000.00 ang kontraktor kapag may nakitang paglabag sa pinatutupad na restrictions ng MMDA.

Kailangan aniyang mag-provide ang mga ito ng flagmen na siyang gagabay sa mga motoristang maapektuhan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with