PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Motor sumalpok sa poste, backrider tepok

MANILA, Philippines — Nalagutan na ng hininga ang angkas bago pa man dumating sa pagamutan habang malubhang nasugatan naman ang nagmamaneho ng motor matapos silang bumangga sa isang Meralco sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si Lluven Ballasteros, 24, habang sugatan naman ang driver na si Cedric John Recson, 21 na pawang residente ng Quintos St., Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO1 Wagner Alquisio ng Quezon City Traffic sector 4, naganap ang aksidente dakong alas-4:40 ng madaling araw sa N. Domingo St., Bgry. Kaunlaran, Cubao Quezon City.

Ayon sa report, mabilis ang takbo ng sinasakyang motor­siklo ng dalawa habang binabagtas ang kahabaan ng N. Do­mingo nang sumampa sa gutter at sumalpok sa poste ng Meralco.

Sa tindi ng pagkakabangga ay tumilapon ang dalawa at bumagsak una ang ulo sa kalsada.

Nagawa pang maisugod sa East Avenue Medical Center Hospital ang dalawa pero nalagutan ng hininga si Ballasteros­ dahil sa matinding pinsala sa kanyang ulo dahil walang suot na helmet noong maganap ang aksidente. Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nakainom ng alak ang dalawa noong maganap ang aksidente.  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: