^

Metro

Company driver lasog sa elevator

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dedo ang isang 52-anyos na company driver nang biglang tumalon sa gitna nang pagloloko ng cargo elevator  sa Quiapo, Maynila,  ayon sa ulat kahapon.

Binawian nang buhay habang nilalapatan ng lunas sa Chinese General Hospital   si Manolito Naguit, driver ng Solar Up Rise Marketing na matatagpuan sa San Diego Building sa Carlos Palanca Sr. St., Quiapo at residente ng no. 695 –G Unit 4 , Laguna Extension, Gagalangin,Tondo.

Sa ulat ni SPO2 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section,  naganap ang insidente alas -12:00 ng tanghali nitong nakalipas na Huwebes sa loob ng kompanya.

Pababa umano ang biktima at iba pa mula sa ika-3 palapag ng gusali nang magloko ang cargo elevator na sinasakyan na ikinabahala ng mga sakay at inatake umano ng nerbiyos ang biktima kaya nagawang tumalon dahil open-elevator naman umano.

Naipit at nalasog ang katawan ng biktima habang hindi naman nasaktan ang mga nanatili sa elevator.

Itinakbo siya sa nasabing pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with