^

Metro

2,500 MMDA traffic enfocers, ikakalat ngayong holiday season

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa inaasahang lalo pang pagbigat ng daloy ng trapiko dulot ng holiday season kung kaya nasa 2,500 traffic enforcers ang itinalaga ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) sa mga pangunahing lansa­ngan ng Metro Manila.

Ayon sa MMDA, dahil sa pagdagsa ang mga shoppers na magtutungo sa mga mall at pamilihan ay mag­reresulta ito sa matin­ding trapik sa mga pangunahaing lansangan sa Metro Manila.

Kaugnay pa rin nito,  ina­lerto ng MMDA ang kanilang mga tauhan para sa pagmamantina ng daloy ng trapiko .

Ayon sa tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pia­lago, dumanas na trapik ang mga motorista at commuters sa ilang major thoroughfare tulad sa area ng EDSA.

Nataon naman na araw ng suweldo at araw ng Biyernes kung kaya’t nakadagdag pa ito sa pagsisikip ng trapik.

Alas-6:00 ng umaga, nakadagdag din ng trapik sa EDSA ang naganap na aksidente sa kahabaan ng Santolan flyover, southbound lane.

Sa kabila ng pinatutupad na programa ng MMDA para lamang maibsan ang trapik sa Kalakhang Maynila, ayon sa mga motorista at commuters ay lalo aniyang nagiging matrapik.

Nabatid na pinatutupad sa EDSA ang yellow lane para lamang sa mga bus, blue lane naman  para sa mga motrosiklo at ang lane naman na malapit sa MRT ay ang lane para sa carpooling o high-occupancy vehicle (HOV) lane.

Napag alaman sa MMDA, na nasa 1,000 highly tinted vehicles ang kanilang na monitor na dumaan sa HOV lane.

Payo ng MMDA sa mga motorista at communters magbaon na aniya ng mas mahaba pang pasensiya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with