^

Metro

Lady cop nakipagpambuno, ‘killer’ ng basurero natimbog!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakipambuno ang isang matapang na babaeng pulis hanggang sa maaresto nito ang lalaki na umano’y pumatay sa isang basurero sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City kahapon ng umaga.

Nahaharap na sa kasong pagpatay ang suspek na si Ramil Canana, 41, driver, matapos na barilin at mapa­tay ang kanyang kapitbahay na si Arnold Gallo, alyas ‘Ambot,’ garbage collector, nasa hustong gulang, kapwa residente ng Block 38, Batao Street, sa Barangay Addition Hills.

Batay sa ulat nina SP02 Albert Fontanilla at SPO1 Laurence Punzalan, nabatid na dakong 7:10 ng umaga kahapon nang maganap ang krimen sa Batao Street.

Ayon sa report, nagkrus ang landas nina Cana­na at Gallo, nang kapwa makiramay sa burol ng kanilang kapitbahay, ngunit nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa matapos na sitahin ni Gallo si Canana hinggil sa maling pagtatapon nito ng basura.

Naawat naman  ng mga kapitbahay ang pagtatalo ng dalawa hanggang sa umalis at umuwi ang suspek sa kanilang tahanan. Lingid sa kaalaman ng biktima ay kumuha lamang pala ng kalibre .38 baril ang suspek at binalikan siya at sinabihang-- “Heto, hindi ba ito puputok?” sabay urong at saka pinaputukan sa ulo ang biktima na kaagad na nasawi.

Nagkataon namang papalabas ng kanyang tahanan ang lady cop na si SPO2 Jean Capili Aguada, 36, chief clerk ng Police Community Relations Branch ng Mandaluyong City Police Station, nang maganap ang krimen kaya’t kitang-kita nito ang pangyayari.

Sa kabila na armado ang suspek, hindi na nagdalawang-isip pa si SPO2 Aguada na arestuhin ang una pero tinangkang manlaban.

Mabilis na inagaw ng alertong lady cop ang baril ng suspek kaya nagpambuno ang dalawa hanggang tuluyan magapi ang suspek at makuha sa kanya ang kalibre .38 baril at matagumpay na maaresto ang huli.

Ikinatuwa nina Chief Supt. Romulo Sapitula, director ng EPD at Chief Supt. Oscar Albayalde, director ng NCRPO ang ipinakitang tapang, gilas at dedikasyon sa trabaho ni SPO2 Aguada kaya inirekomenda ng mga ito na bigyan ng komendasyon at pagkilala ang magiting nilang lady cop.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with