PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

PDEA satellite office ilalagay sa Bilibid at Correctional

MANILA, Philippines — Simula sa susunod na linggo ay magtatalaga na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng kanilang mga tauhan upang magbantay sa New Bilibid Prisons (NBP) at Correctional Institution for Women (CIW). 

Ayon kay PDEA Director­ Aaron Aquino, nagpasya siyang­  maglagay ng satellite office o maliit na tanggapan sa NBP sa Muntinlupa City at CIW sa Mandaluyong City, matapos na matukoy na patuloy pa ring namamayagpag ang ilegal na droga sa loob ng mga naturang bilangguan.

Bahagi aniya ito nang pagsusumikap nilang tuluyan nang masugpo ang bentahan ng illegal drugs sa loob ng mga piitan sa bansa.

Hinala naman ni Aquino na may koneksyon ang illegal drug trade sa loob ng dalawang naturang bilangguan at ito ang iniimbestigahan nila sa ngayon.

Nauna rito, sinalakay ng PDEA ang kubol ng convicted drug queen na si Yu Yuk Lai sa CIW sa Mandaluyong kama­kalawa ng madaling araw, na nagresulta sa pagkakarekober ng mga shabu, na nakatahi sa panty liner at dalawang kilo pang shabu na nakalagay sa mga plastic at jars.

Kasunod na sinalakay ng PDEA ang condominium unit ng anak ni Yuk Lai na si Diane Yu Uy sa Solano Street sa San Miguel, Maynila, sa tabi ng Ma­lacañang, na nagresulta rin sa pagkakarekober ng dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10 milyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, kinumpirma ni Aquino na bago naaresto si Uy ay binabantayan pa ito ng VIP police security sa katauhan ni PO3 Walter Vidal, na dating Special Action Force commando at ngayon ay kabilang sa Police Security and Protection Group (PSPG).

Sinasabing nagkaroon ng security si Uy matapos na magkaroon ng bantang pagdukot sa buhay nito.

Hinala naman ni Aquino na hindi na-profile mabuti ng Phi­lippine National Police (PNP) si Uy kaya’t binigyan ito ng security.

Hiniling ni Aquino sa PNP na maimbestigahan kung pa­ano naitalaga si Vidal para mag­bantay kay Uy.

Si Uy ay sasampahan na ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang sasampahan rin naman ng mga bagong kaso, na may kinalaman sa droga, ang kanyang ina, na matagal ng convicted sa drug charges.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: