PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Aberya sumalubong sa DOTr

Matinding kalbaryo ang sinapit ng maraming pasahero ng MRT sa unang araw nang pag-take-over ng DOTr sa operasyon nito makaraang binawasan ang bumibiyaheng tren kahapon. Makikita ang mahabang pila ng mga pasahero sa may MRT station sa Quezon Avenue, Quezon City. Michael Varcas

Unang araw ng pag-take over sa MRT

MANILA, Philippines — Sinalubong ng maagang aberya ang unang araw ng pag-take-over ng Department of Transportation (DOTr) sa Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3), kahapon ng umaga

Nabatid na dakong alas-6:00 ng umaga ay pinababa ang mga pasaherong sakay ng MRT-3 sa North Avenue station sout­hbound.

Pagkasakay ng mga pasahero at nagsisimula palang umalis sa istasyon nang mapansin na may problema ang tren kaya hindi na itinuloy ang biyahe sa halip ay pinababa na lamang ang mga sakay nito at naghintay ng panibagong bagon.

Ayon sa DOTr, technical problem ang aberya at category 3 ang status kaya hinatak na lamang pabalik sa MRT-3 depot ang nasabing tren.

Agad namang humingi ng paumanhin ang DOTr sa mga naabalang pasahero at sinabing patuloy silang magsisikap para mapabuti ang serbisyo ng MRT-3.

Magugunita na kaya inalis ng DOTr sa Busan Universal Rail Inc. (Buri), ang service provider sa MRT-3 dahil sa ‘poor performance’ ng nasabing kompanya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Mula sa dating 18-20 tren ang bumibiyahe araw-araw noong ang BURI pa ang service provider,  pero kahapon ay 13 bagon lamang ang pinatakbo ng DOTr na siyang dahilan kung kaya naipon at humaba ang pila ng mga pasahero.

Sinabi naman ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez, na hindi naman makukuha sa isang araw lamang ay masusulos­yunan na ang problema sa MRT-3 sa halip ay hinihiling nito sa publiko na bigyan sila ng 3-6 buwan para mapabuti ang serbisyo ng MRT-3.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: