^

Metro

Police Colonel, utak sa kidnap-slay ng Chinese, tugis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabulgar kahapon na isang colonel ng Southern Police District (SPD) at isang negosyante ang sinasabing ‘utak’ at ang financier sa kaso ng kidnap slay ng Chinese casino junket operator na si Carlos Tan na natagpuan ang bangkay sa Cavite kamakailan.

Ito’y matapos na sumuko si SPO1 Benjamin Pagari-ngan ng Quezon City Police District (QCPD) sa mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) noong Biyernes ng hapon at iprisinta sa mediamen nitong Lunes.

 Sinabi ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’’ dela Rosa  na ipinag-utos na niya ang malawakang manhunt operation laban kina Supt. Johnny Lapat Orme, ng Southern Police District at financier ng kidnap-for- ransom (KFR) gang na si Alex Gozun. Ang mga ito ay ikinanta ni Pagaringan.

Ayon kay dela Rosa, hindi makontak ng SPD si Orme dahilan naka-off na ang cellphone nito kung saan ay pinaniniwalaang nagtatago na ang nasabing pasaway na opisyal.

Noong Oktubre 24 ay napatay sa shootout ang apat na kidnappers ni Tan kabilang ang tatlong pulis at isang tipster ng mga ito sa Carmona, Cavite.

Ang mga napatay na suspek ay kininilalang si PO3 Rodel Estonactoc ng Quezon City Police District; PO1’s Rolando Albios at Ramil Espejo; pawang nadismis na sa serbisyo gayundin ang asset na si Erwin Escobido.

Ang mga ito ang itinuturong sangkot sa pagdukot sa casino junket operator na si Tan, 55, na ang bangkay ay natagpuang itinapon ng mga kidnapper sa paanan ng bundok sa Tagaytay City noong Oktubre 23 sa kabila na nakapagbigay na ng ransim sa mga suspect.

Si Tan ay dinukot ng mga suspek sa kahabaan ng NAIA Expressway , sa Parañaque City noong Oktubre 22 ng gabi  kung saan ay hini-ngan ito ng P 50 M ransom na naibaba sa P 10 M pero P 5 M lamang ang nakayanang ibigay ng pamilya ni Tan kaya ito pinaslang.

Patuloy naman ang masusing crackdown operation ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) laban sa mga tiwaling pulis upang kalusin at patalsikin ang mga ito sa  PNP rooster.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with