^

Metro

‘Oplan Biyaheng Ayos’, inilunsad ng DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong undas

MANILA, Philippines — Aalalayan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga motorista at pasahero na inaasahang magsisiuwian sa kani-kanilang lalawigan ngayong Undas.

Nabatid na naka-high alert na ang mga tanggapan ng DOTr alinsunod sa kanilang ‘Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2017’ upang tiyaking ligtas ang biyahe ng mga taong mag-uuwian sa mga probinsya.

Dalawampu’t apat na oras umanong tutulong ang mga tauhan ng DOTr sa mga pasahero at motorista simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 6.

Target nilang tiyaking tuluy-tuloy at mas maging mabilis ang operasyon sa mga terminals at counters upang maiwasan ang paghaba ng mga pila.

Kabilang din sa kanilang magiging responsibilidad ang mabilisang pagre-report ng mga aksidente at emergencies na mangyayari sa loob ng anim na araw na pagpapatupad ng Oplan Biyaheng Ayos.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with