^

Metro

Tricycle at pedicab drivers, tiba-tiba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinamantala ng mga tsuper ng mga tricycle at pedicab   ang kakulangan sa mga pampasaherong jeep upang mamasada maging sa mga kalsada na bawal sila, sa ikalawang araw ng transport strike ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON).

Sa Caloocan City, bukod sa pamamasada sa Samson Road ay naglatag na rin sila ng kanilang terminal sa may Sangandaan malapit sa isang mall para maghatid ng mga pasahero habang malakas rin ang biyahe ng mga pedicab.

Inireklamo ng mga pasahero ang pananamantala ng naturang mga tsuper sa pagsingil ng doble o kaya naman ay pangongontrata o special trip sa mga wala nang ibang opsyon na masakyan.

Ito naman ay sa kabila ng ikinalat na mga “asian utility vehicles” at iba pang sasakyan ni Caloocan Mayor Oscar Malapitan sa loob ng dalawang araw habang ang ilang sa-sakyan ng Caloocan City Police lalo na ang mga pick-up trucks ay ipinagamit na rin para sa mga pasahero.

Patuloy rin naman na  nagbigay pa rin ng libreng sakay si Navotas City Mayor John Rey Tiangco maging ang pamahalaang lungsod ng Malabon at Valenzuela City partikular sa MacArthur Highway.

 Nagpatuloy rin naman ang programa ng Piston kasama ang mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno at Kadamay ngunit bantay-sarado sila ng mga tauhan ng Caloocan City Police upang hindi makapangharang ng ibang mga tsuper na nais magpatuloy ng biyahe.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with