^

Metro

Baron Geisler, kalaboso uli!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Baron   Geisler,  kalaboso  uli!

Si Baron Geisler,  na nakaposas matapos siyang arestuhin ng mga awtoridad at ikulong sa selda dahil umano sa kanyang pagwawala at pagmumura sa isang restobar. (Kuha ni Joven Cagande)
 

Nagwala sa resto bar

MANILA, Philippines — Kalaboso uli ang aktor na si Baron Geisler matapos umanong magwala, manggulo at magmura sa loob ng isang restobar sa Tomas Morato, Quezon City, kama­kalawa ng gabi.

Ayon kay Supt. Christian dela Cruz, hepe ng Kamu-ning police station 10 ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-9:00 ng gabi ng pumasok sa TGIF restobar si Geisler, umi­nom ng alak at nang mala-sing ay pinabantayan  ito sa guwardiya na hindi naman nagustuhan ng aktor.

Itinulak umano ni Geisler ang guwardiya at pinagmu­mura kaya nagtayuan ang lahat ng mga kostumer, ang iba ay nagtakbuhan palabas, kaya tumawag ng pulis ang management saka ipinaa-resto ang aktor.

Nabatid na dati nang na-ban sa nasabing restobar si Geisler pero nagawa nitong makapasok dahil dumadaan umano ito sa isang gate.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nakakulong pa sa detention facility ng QCPD Station 10 ang aktor at nakatakdang sampahan ng kasong alarm and scandal at unjust vexation sa Quezon City prosecutor’s office.

Itinanggi naman ni Geis­ler na siya ay nagwala, nang­gulo at nagmura, pero aminadong nakainom. Aniya, para mapatunayang totoo ang kanyang sinasabi ay hinihiling nito ang kopya ng CCTV footage sa restobar.

Ang aktor ay maraming beses na hinuli ng mga awto­ridad dahil sa kanyang pag-uugali at madalas masang-kot sa gulo.

Ang huling kinasangkutang alingasngas ni Geisler ay nang ihian nito ang kanyang kapwa actor na si Ping Medina na anak ni betera­nong actor na si Pen Medina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with