^

Metro

US Homeland Security tutulong sa pagtugis sa frat member na dawit sa hazing ni Atio

Evelyn Macairan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nag-alok ng tulong ang United States Homeland Security sa pamahalaan ng Pilipinas para maibalik  sa bansa si Ralph Trangia, miyembro ng Aegis Juris fraternity na isa sa sinasabing suspect sa naganap na hazing ng UST Law student na si Horacio ‘Atio’ Castillo III, ayon kay DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II.

Magugunita na naunang hiniling ng DOJ sa Department of Affairs (DFA) na kanselahin ang passport ni Trangia para ito mai-deport pabalik sa Pilipinas.

Sinasabing agad-agad na umalis ng bansa si Trangia kasama ang inang si Rosemarie patungong Chicago matapos pumutok ang balita sa hazing kay Atio.

Maging ang mga magulang at tiyuhin ni Atio sa kanilang pakikipagkita kay Pangulong Duterte noong nakaraang linggo ay humiling din sa kanselasyon ng passport ni Trangia.

Sa nakalipas ding Cabinet meeting, bi­nanggit ni Pangulong Digong sa DFA na   magkaroon ng representasyon sa US Dept. of State kung ano ang pwedeng gawin para maibalik sa bansa si Trangia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with