PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 prime suspects sa hazing, tugis ng MPD

MANILA, Philippines — Naglunsad na ng manhunt operation ang mga tauhan ng Manila Police District laban sa  tatlong pangunahing suspect sa pagkamatay ng University of Sto. Tomas (UST) law student na si Horacio Tomas ‘Atio’ Castillo III.

Sinabi kahapon ni Manila Police District (MPD) Director P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel na inatasan niya ang mga tauhan na arestuhin ang kumpirmadong suspek na sina John Paul Solano, ang nag­panggap na nakakita kay Cas­tillo sa bangketa sa Tondo at nagsugod sa Chinese Ge­ne­ral Hospital na lumalabas na nagsinungaling at natuklasang siya mismo ang nag-recruit sa biktima sa Aegis Juris Fraternity at ang mag-amang sina An­tonio at Ralph Trangia­, ang may-ari ng Strada pick-up. Na­diskubreng opisyal mismo ng nasabing fraternity group ang batang Trangia.

“Both persons, Mr. Antonio Trangia and Ralph Trangia are now possible suspects, and manhunt operations would be undertaken to affect their immediate arrest and the reco­very of the motor vehicle,” ani Coronel.

Paliwanag ni Coronel, hindi tumugma ang mga impormas­yong ibinigay ni Solano sa mga awtoridad na nadaanan lamang niya nang siya ay bibili ng siga­rilyo sa panulukang Infanta St. at H. Lopez Blvd., sa Tondo dahil sa mga oras na nabanggit niya ay walang ganung insidente sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) sa nasabing lugar at sa mga pahayag ng opisyal ng barangay.

Itinago rin ni Solano na siya ay isang law student ng UST at nakumpirma pa ng mga awtoridad na siya ay miyembro ng nasabing fraternity at huling na­kitang kasama ni Castillo at iba pang indibidwal habang naglalakad sa España, Maynila noong Sabado ng umaga, bago ang sinasabing oras na nagpa­dala siya ng gamit sa Uber sa kanilang tahahan sa San Lorenzo Village, sa Makati.

Nang matunton naman ang pinagsakyan sa bangkay ni Castillo sa pagtungo sa Chinese General Hospital na may plate number na ZTV 53 ay natuklasang nakarehistro sa pangalan ng isang Antonio Trangia na ang anak na si Ralph Trangia ay opisyal ng frat, na maliwa­nag aniya, na inililigaw lang ang imbestigasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 “So clearly, as you can see, as a result of our investigation, Mr. John Paul Solano together with the assistance and coope­ration of Mr. Antonio Trangia and Ralph Trangia deliberately misled our investigation on the death of Horacio Castillo by providing us false and fraudulent statements concerning the delivery of Mr. Castillo in Balut, Tondo, which we feel was a cover up for the actual murder and the killing of the victim,” ani Coronel.

Nagpadala na rin ng request sa pamunuan ng UST ang pulisya para sa hinihinging­ kopya ng CCTV footage sa loob ng UST bilang bahagi ng im­bes­tigas­yon habang hawak na rin ang kuha ng CCTV sa España kung saan nakitang magkasunod na naglalakad si Solano, Castillo at iba pang indibidwal.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: