^

Metro

2 ‘tulak’ bulagta sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa na namang hi­nihinalang ‘tulak’ ang ini­ulat na nasawi nang manlaban sa ikinasang buy-bust ope­ration ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasa­wing suspek na sina Jay-Ar Dayto, 41, at Vincent Corales, 41 kapwa residente ng LRC Compound Sta. Cruz, Maynila. 

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Sta­tion 3, nagsagawa ng buy-bust at ‘one time, big time’ operation istas­yon dakong alas-8 ng gabi sa LCR Compound, Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Nakikipagtransak­syon­ si Dayto sa isang poseur buyer nang makutuban niya na pulis ang katransaksyon niya. Binunot niya ang kanyang kalibre .38 at pinaputukan ang pulis na nagawa namang makailag. Bumawi naman ang isang back-up na pulis ng putok dahilan upang magtamo ng tama si Dayto at matumba.

Narinig naman ni Corales ang putukan dahilan upang lumabas siya sa kanyang kwarto at paputukan ang mga operatiba. Muling nakailag ang mga pulis at nabaril ng isa sa kanila si Corales dahilan ng kanyang kamatayan. Narekober sa mga suspek ang dalawang kalibre .38, tatlong bala ng baril, tatlong basyo ng mga bala at walong pakete ng hinihinalang shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with