^

Metro

‘Gender-friendly’ na gusali itatayo sa PLM

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
�Gender-friendly� na gusali itatayo sa PLM

Former LTFRB Chairman Winston Ginez LTFRB/Twitter  

MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng kam-panya ng pamahalaang lungsod ng Maynila na isulong ang gender sensitivity sa mga paaralan, magtatayo si Mayor Joseph Estrada ng tinatawag niyang “gender-friendly” school building sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Kasunod ito ng pagpapagawa ni Estrada ng mga unisex o gender-neutral na mga palikuran sa naturang pampublikong unibersidad para sa mga mag-aaral, guro, at empleyado at mga bisita ng PLM na miyembro ng LGBT community. Umaabot sa P250-milyon ang Gusaling Emilio Ejercito, Sr.  na  binuksan sa PLM kamakailan.

Matapos ito, pinangunahan din ni Estrada ang groundbreaking ceremonies para sa itatayong Center for Gender Equality-Early Childhood Care and Development (ECCD) malapit sa bagong gusaling pinangalan sa kanyang ama.

Bilang isa sa mga sumu­suporta sa pagbibigay ng equal rights sa third sex, sinabi ni Estrada na nais niyang makilala ang PLM at ang Lungsod ng Maynila na isa sa mga aktibong kuma-kampanya sa pagresolba sa problema ng diskriminasyon at harassment laban sa mga LGBT students.

Ayon naman kay PLM President Leonora De Jesus, ang Center for Gender Equa-lity-ECCD ay magbi­bi­gay o magiging venue ng mga special courses at trainings tungkol sa gender sensitivity at childcare.

Magiging halos “kakambal” aniya ito ng Gusaling Emilio Ejercito, Sr. na may 12 silid-aralan, apat na general laboratories, makabagong audio-visual room, at mga unisex toilets.

Ani De Jesus, ideya ni Estrada na maglagay ng pang-isahang gender-neutral toilets, dalawa sa bawat palapag, sa tatlong palapag na Gusaling Emilio Ejercito, Sr.

Dagdag pa ni  De Jesus, may mga natanggap na siyang reklamo mula sa mga LGBT students na umano’y na-harass o na-bully ng mga kapwa nila mag-aaral sa paggamit ng panlalaki o pam-babaeng CR.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with