Bagong ‘rehab’ na Ospital ng Maynila pinasinayaan
MANILA, Philippines - Pinasinayaan ni dating senadora Dr. Loi Ejercito at maybahay ni Manila Mayor Joseph Estrada ang bagong ‘‘rehab’’ na Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) na nagkakahalaga ng P300 milyon. Namangha si Dr. Loi sa mala-king pagbabago ng nasabing ospital na 48 taon na. Aniya, regalo ito ni Erap sa mga mahihirap na Manilenyo na hindi kayang magpa-ospital sa mga mamahaling private hospital.
“Ang gusto niya, kung anong meron ang mga mayayaman, meron din ang mahihirap,” ani Dr. Loi.
Tinayo noong 1969 sa panahon ni Mayor Arsenio Lacson, ang 300-bed OMMC ay sumailalim sa “complete transformation” sa panahon ni Estrada – bagong gusali at lobby, Operating Room complex, surgery, at ICU wards, at “modernized” na Medicine, Opthalmology, at Pediatrics departments.
Ayon naman kay OMMC director Dr. Rachel Marinas, maaari nang ikumpara ang ospital sa mga private at ma-kabagong public hospitals sa Singapore.
Lahat ng serbisyo sa ospital ay libre, pagtitiyak naman ni Marinas.
- Latest