^

Metro

Ex-military binoga ng kasamang bebot sa loob ng sinakyang taxi

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang retiradong miyembro ng Armed For­ces of the Philippines (AFP) ang nasawi habang sugatan ang taxi driver, makaraang barilin ang una ng isang ginang sa loob ng taxi na kanilang sinakyan sa Quezon City, kahapon ng umaga

Sa ulat ni PO3 Louie Serbito,ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU ang nasawi ay nakilalang si Nelson Bathan, 51, may-asawa, at residente ng AFP Housing, Trece Martires Cavite City.

 Habang sugatan naman ang driver na si Walter Sabaria, 41.

Arestado naman ang suspek na si Lilibeth Bacus, 45, may-asawa, lending collector, at residente ng Brgy. Luciano Trece Martires, Cavite City.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Serbito, nangyari ang insidente sa harap ng Helmark Building na matatagpuan sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr., Brgy. Immaculate Concepcion, QC., dakong alas-9 ng umaga. Lumilitaw na bago ang insi­dente, dakong alas-6 ng umaga sumakay sa taxi ni Sabaria ang nasawing si Bathan at suspect na si Bacus at nagpapahatid sa Taytay, Rizal.

Sa imbestigasyon, pagsapit sa SM City, Taytay City ay nakarinig na lang si Sabaria ng dalawang putok ng baril mula sa likuran at nang kanyang tignan ay nakita si Bathan na hindi na gumagalaw sa passenger seat at lumalabas ang dugo sa katawan.

 Mula dito, tinutukan umano si Sabaria ni Bacus ng baril at tinakot na papatayin kasabay ng utos na ipagdrive siya sa Cubao, QC. Pagsapit sa nasabing lugar hanggang sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr. Avenue malapit sa kanto ng New York St., ay nakakuha ng tiyempo ang una at tumalon sa kanyang taxi at iniwan ang suspek sa loob nito.

Sa hindi sinasadya, ang taxi cab ay sumalpok sa isang nakaparadang Isuzu pick up na kulay gray (ZPM-303) at sa isang Toyota Innova (ABT-7424). Ang banggaan ay kumuha ng atensyon sa mga istambay sa lugar at iba pang taxi driver kabilang ang barangay tanod ng Immaculate Concepcion, hanggang sa habulin nila ang patakas na suspek at maaresto.

Patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa naarestong suspek na kasalukuyang nasa kanilang pangangalaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with