Alexander, Steffen gustong makaulit sa CT Ironman
MANILA, Philippines - Pipilitin nina five-time world champion Craig Alexander at Caroline Steffen na magkampeon ng dalawang sunod sa pagtrangko nila sa elite field sa Century Tuna Ironman 70-3 na nakatakda sa Marso 12 sa Subic Bay.
Inangkin nina Alexander at Steffen ang korona sa 21km run stage ng premier triathlon event kasama ang 1.9km swim at 90km bike legs.
Inaasahang magbibigay ng matinding hamon kay Alexander sa men’s division sina Tim Reed, ang inaugural CT Ironman champion, Tin Van Berkel, Dan Brown, David Mainwaring at Sam Betten ng Australia, Michael Raelert, Till Schramm at Johannes Moldan ng Germany, Ruedi Wild at Sven Riederer ng Switzerland, Eric Watson ng Bahrain, Ritchie Nicholls ng Great Britain, American Kevin Collington at South African Johan Stofberg.
Aabangan din sa event ng title sponsor na Century Tuna at inihahandog ng Century Quality Bangus sina Kyle Buckingham bg South Africa, Dan Wilson, Jake Montgomery, Jason Hall at Guy Crawford ng Australia at Benjamin Williams at Iain Alexandriris ng US.
Si Steffen ay hahamunin naman nina Czech bet Radka Kahlefeldt, Germany pride Imke Oelerich at Aussies Dimity Lee Duke, Kate Bevilaqua, Sarah Lester at Imogen Simmonds sa event na inorganisa ng Sunrise Events, Inc,
Ang inaugural run ay nilahukan ng 902 partisipante, habang 823 ang sumali noong nakaraang taon sa event na suportado ng marketing partners AlcoPlus, Cetaphil, Daylong, Devant, Department of Tourism Region 3, Omega Pain Killer, PLDT Subictel, Regent, Sanicare at Storck kasama bilang media partners.
Maglalahok ang Great Britain, US at Australia ng 23, 22 at 20 entries, ayon sa pagkakasunod, habang ang Singapore ay may 16, ang Guam ay may 14 at ang Japan ay may 12.
- Latest