^

Metro

Killer ng ginang, natagpuang patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Killer ng ginang, natagpuang patay

Kilala ang lalaki sa alyas na Tara , walang permanenteng tirahan, nakasuot ng maong na pantalon at blue striped na t-shirt. Sa ulat mula sa tanggapan ni Manila Police District-Station 5 chief, P/Supt. Romeo Desiderio, dakong alas- 5:20 ng madaling araw nang madiskubreng patay  si Tara sa Vargas Compound, sakop ng Barangay 650, Zone 68, District V, Port Area, Maynila.

‘Buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran’

MANILA, Philippines – Minsan pang natupad ang kasabihang ‘Kapag buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran’ sa isang lalaki na sinasabing suspek sa pamamaslang sa isang ginang na binaril sa harapan ng dalawang anak, makaraang matag­puan namang patay ang una sa isang abandonang bahay, sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kilala ang lalaki sa alyas na Tara , walang permanenteng tirahan, nakasuot ng maong na pantalon at blue striped na t-shirt.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Manila Police District-Station 5 chief, P/Supt. Romeo Desiderio, dakong alas- 5:20 ng madaling araw nang madiskubreng patay  si Tara sa Vargas Compound, sakop ng Barangay 650, Zone 68, District V, Port Area, Maynila.

Ayon sa isang testigo una siyang nakarinig ng putok ng baril. Nang alamin ay nakita na duguan at walang buhay si Tara na pinaniniwalaang patraydor na binaril habang nakaupo sa bangko, bagamat walang naabutang suspek.

Sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo, ng MPD-Homicide Section, may tama ng bala sa leeg ang biktima.

Si Tara umano ang itinuturong pumatay sa isang Nora Acielo, 47, nitong nakalipas na Disyembre 8 habang naglalakad sa 12th Street, Port Area. kasama ang 2 menor de edad na anak na ihahatid sana nito sa eskuwelahan.

Isa pa umanong tomboy na nabiktima rin ng pamamaril ni Tara ang kanilang iniimbestigahan at pangmomolestiya sa isang 12 -anyos na batang babae, ani Vallejo.

 Mismong anak umano ng biktimang si Acielo ang kumilala kay Tara na bumaril sa kaniyang ina nang ipakita ang larawan. (With trainee Angelica Ruth Sulit)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with