11 pang Chinese huli sa online gambling
MANILA, Philippines - Arestado ang 11 Chinese nationals matapos salakayin ng pulisya ang isa umanong illegal online gambling sa lungsod ng Makati.
Kahapon ay sinampahan ng Regional Police Intelligence Operation Unit, National Capital Regional Police Office (RPIO, NCRPO) sa piskalya ng Makati ng kasong Illegal Gambling/Online Betting sa lungsod ang mga suspect na sina Chen Jinying, 25; Huang Liangfa, 21; Wu Bingsheng, 23; Lin Huadong, 26; Zhou Shengjian, 38; Wu Wenjie, 24; Lin Yuanqing, 17; Lin Changhui, 17; Zheng Zhimou, 27; Chen Jingwei, 21 at Xu Wei, pawang mga taga Fujian, China.
Base sa report ng pulisya alas-7:08 ng gabi nang magsagawa nang raid ang operatiba ng RPIO, NCRPO sa isang hinihinalang illegal online gambling sa Unit 507, 5th floor at Unit 1211, 12th floor, Makati Cinema Square Tower Condominium na matatagpuan sa #1299 Chino Roces Avenue (dating Pasong Tamo), Brgy. Pio Del Pilar, Makati City, na parehong inuukapahan umano ni Xu Wei, isa ring Chinese national.
Base sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Selma Palacio Alaras, ng Branch 62, Makati City Regional Trial Court (RTC).
Matapos makatanggap ng reklamo ang RPIO, NCRPO hinggil sa naturang iligal na aktibidades.
Narekober ng pulisya ang mga online gambling paraphernalias.
- Latest