^

Metro

Kaanak ng political prisoners, 7 araw magha-hunger strike

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kaanak ng political prisoners, 7 araw magha-hunger strike

Ang mga kaanak ng mga political prisoners na nagtipon-tipon sa Mendiola Bridge na dito nila isasagawa ang unang araw ng hunger strike. KJ Rosales

MANILA, Philippines – Nagsimula na kahapon ang pitong araw na ‘hunger strike’ o pag-aayuno ng mga kamag-anak ng mga political prisoner, kasama ang mga militante sa layuning tuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangakong mapalaya o mabigyan ng general amnesty ang nakapiit nilang kaanak.

Bukod sa pakikiisa ng mga political prisoner sa iba’t-ibang piitan sa bansa, ang mga symphatizers  at human rights advocates ay sa Mendiola idinaos ang hunger strike na nagsimula kahapon, alas-10:00 ng uma­ga, bitbit ang mga banner na may nakasulat na “Free All Political Prisoners”.

Kabilang dito ang mga grupong Karapatan, Selda at iba pa na nananawagan sa pagpapalaya sa may 482 bilanggong politikal na ina­resto mula pa sa administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III hanggang sa kasalukuyang administrasyon.

May tent o Solidarity Fas­ting Center na itinayo sa Mendiola para sa mga nagpo-protesta na hindi kakain mula alas- 6:00 ng umaga hanggang alas- 6:00 ng gabi sa loob ng 7 araw hanggang sa Disyembre 10, 2016.

Tubig ang pantawid gutom  na libreng ipinagkakaloob sa mga kasali sa rally.

Kasabay din umano nito ang idinaraos na hunger strike sa Davao, Eastern Visayas, Compostela Valley at iba pa.

Sinabi ni Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan, na nasa 296 ang political prisoners na napa-aresto sa Aquino Administration at nadagdagan sa panahon ni Duterte. Pawang gawa-gawa lamang ang kaso sa mga ito na ngayon ay patuloy na nakakulong.

Marami na rin umano sa kanila ang matatanda at may mabigat na karamdaman na maaaring ikamatay sa loob ng piitan.

Isang halimbawa dito ang pagkamatay ng isang Bernabe Ocasla, isa sa miyembro ng government peace panel na nakipagnegosasyon kasama ang National Democratic Front (NDF). Si Ocasla, 66-anyos  ay binawian ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Cen­ter (JRMMC) noong gabi ng Lunes (Nob. 28, 2016). Siya ay may ilang araw na na-comatose matapos atakehin ng sakit sa loob ng Manila City Jail.

Itinaon aniya, ang pagtatapos sa Dis. 10 na selebrasyon ng International Human Rights Day.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with