^

Metro

8 dawit sa droga, bulagta

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walong indibidwal na naman na may kinalaman sa iligal na droga ang nasawi sa pakikipagbarilan umano sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa hiwalay na buy-bust operation sa lungsod, kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay QCPD Acting District Director P/Supt. Guil­lermo T. Eleazar,  sa unang insidente ay nakilala ang mga nasawi na sina Ronaldo Ceron, alyas Nano, 46; Ronnie Bardon, 27; isang Leticia Pacion; Jose Francisco Ledesma, alyas “Patet”, 40; Jonathan Abe, 36; at Golder Almero, 36, pawang mga residente sa naturang barangay.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Jim Barayoga, nangyari ang insidente sa may Pasacola Area C, Interior Dulo ng nasabing Barangay, dakong alas-7:45 ng gabi.

Bago ang engkuwentro, isang buy-bust operation ang ginawa ng tropa ng (SAID-SOTG) sa naturang lugar  kung saan nagkunwaring bibibili ng shabu si PO1 Neil Mendoza sa mga suspek na sina Ledesma at Ceron.

Nang magkapalitan ng items, nakatunog umano ang mga suspek na parak ang kanilang ka-deal kaya agad na inalarma ni Ledesma ang iba pang kasamahan na noon ay nagpa-pot session sa loob at pinaputukan ang mga operatiba.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga operatiba  hanggang sa humantong ito sa engkuwentro at nagresulta sa pagkakasugat ng mga suspek.

Agad ding tinakbo ng mga awtoridad ang sugatang mga suspek sa Novaliches District hospital subalit idineklara rin silang dead on arrival.

Narekober sa crime scene  ang 2 kalibre .45 at dalawang kalibre .38 mga baril na pawang may mga bala sa chamber; limang piraso ng plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia; nasa 20 basyo ng bala at tatlong piraso ng tingga ng bala.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang insidente.

Sa hiwalay na insidente, dalawa pang drug personalities ang iniulat na nasawi matapos makipagbarilan sa mga operatiba sa isang anti-drug operation sa Brgy. Holy Spirit sa lungsod, kahapon.

Isa pa lamang sa dalawang nasawi ang kinilala sa alyas Momoy habang ang isa ay isinalarawan lamang sa taas na 5’6-5’8 at nakasuot ng kulay dilaw na short.

Nakaengkwentro ng mga suspek ang mga operatiba ng Station Anti-illegal Drugs ng Police Station-6 sa may Navarro compound sa  Ordonel St., Brgy. Holy Spirit, QC dakong alas-12:30 ng madaling araw sa inihandang buy-bust operation. Nakatunog umano ang mga suspect na pulis ang ka-transaksyon kung saan pinaputukan ng mga ito ang mga operatiba na gumanti naman ng putok na ikinamatay ng dalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with