^

Metro

Riprap gumuho, 2 bahay nawasak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumagsak ang dalawang bahay makaraang gumuho sa ikalawang pagkakataon ang riprap sa  gilid ng ilog sa Marikina City, kahapon ng umaga.

Sa kabutihang palad ay nasa evacuation center na ang mga nakatira sa dalawang bahay na bu­magsak kaya walang nasaktan sa mga residente ng Brgy. Nangka, Marikina City noong gumuho ang riprap.

Nabatid sa Marikina res­cue 161 na dakong alas-5:30 ng umaga noong gu­mu­ho ang riprap dahil lumambot ang lupa bunsod ng halos magdamag na pag-ulan.

Sinabi naman ni Marikina City Mayor Marcelino Teo­doro na inabisuhan na nila ang lahat ng nakatira  malapit sa gumuhong riprap at pampang ng ilog na pansamantalang  lumikas sa ligtas na lugar upang makaiwas   sa trahedya.

Hinala ng Alkalde na mahina ang pagkakagawa ng Department of Public Works and Hi-Ways (DPWH) sa nasabing mga riprap.

Una dito, noong linggo ng umaga ay dalawang beses gumuho ang riprap sa nasabing lugar at muling nasundan kahapon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with