^

Metro

Sa Caloocan, Valenzuela at Pasay: 6 pang dawit sa droga, bulagta

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Anim na kalalakihan na sangkot umano sa illegal na droga ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspect  sa magkakahiwalay na insidente sa Caloocan, Valenzuela City at sa Pasay City.

Sa Caloocan kinilala ni Senior Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan  City Police ang mga nasawing sina  Lawrence Bisnan, 41;  Joey Grabe; Dennis Abartosa, 40 at Patricio Liego, 35.

Ayon sa pulisya, alas-3:00 ng madaling-araw  nang pagbabarilin si Bisnan ng riding in tandem habang nakatayo sa harapan ng kanyang bahay.

Pagsapit naman ng alas-2:28 ng madaling-araw habang bumibili sa isang tindahan si Grabe sa Phase 4, Package 1,  Brgy 176, Bagong Silang ay pinagbabaril din ito ng isang hindi nakikilalang lalaki na naka-bonnet na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. 

Ala-1:05 ng madaling-araw ay nakatanggap ng report  sina PO1 Harold Laguna at  PO1 Christian Panganiban, ng  Police Community Precinct  (PCP) 3, Caloocan City Police na may naganap na barilan sa Phase 4, Brgy. 176 at sa kanilang pagresponde ay nakita nilang duguang nakahandusay sa semento  si Abartosa.

Ang hindi naman nakikilalang suspect ay mabilis na tumakas matapos na isagawa ang pamamaril.

Ala-1:00 naman ng madaling-araw ay nabaril  si Liego nang mang-agaw umano ng baril sa isa sa mga pulis ng umaresto sa kanya dahil sa kaso ng pagtutulak ng illegal na droga  habang nasa loob sila ng mobile police  patrol car  sa Brgy. 176, Bagong Silang ng naturang lungsod.

Samantala, sa Valenzuela City, binaril at napatay naman ng hindi pa nakikilalang suspect ang biktimang si Rodrigo Penollar, alas-2:00 ng madaling-araw.

Ayon sa Valenzuela City Police, kaagad na binawian ng buhay ang biktima sanhi ng ilang tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Lumalabas sa rekord ng pulisya,  na ang limang biktima  na napatay ay pawang sangkot umano sa droga.

Sa Pasay City, patay din si Ryan Mariano, 35, nakatira sa Vergel St., ng naturang lungsod, sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa katawan buhat sa isang kalibre .45 baril.

Naganap ang insidente alas-4:00 ng hapon sa kahabaan ng Vergel St., Brgy. 119, Zone 14 ng nasabing siyudad habang ang biktima ay nakatayo sa nasabing lugar nang biglang dumating ang suspect na nakasuot ng helmet at pagbabarilin ito.

Dalawang anggulo ang tinitingnan ngayon ng pulisya, posibleng paghihiganti at may kinalaman sa droga.

Dahil noong nakaraang buwan ay may nakaaway ang biktima na may kaugnayan sa sugal na cara y cruz at nalaman din na ito ay gumagamit  ng droga at part time din itong tulak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with