Provincial bus terminals sa Quezon City, itataboy
MANILA, Philippines - Hindi na maaaring ma-kapasok sa Quezon City ang mga provincial buses.
Ito ay kung aaprubahan ang panukalang ordinansa sa QC council na layung pagbawalan ang paglalagay ng terminal ng lahat ng bus na mula sa mga lalawigan sa lungsod.
Sa panukalang ordinansa na tinawag na “No Provincial Bus Terminal/Garage in Quezon City ay layuning makabawas ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Edsa.
Sa ilalim ng panukala, ang operators ng mga provincial bus companies ay maaari lamang magkaroon ng lugar sa QC kung gagamitin lamang bilang ticketing o sales office pero hindi maaaring gawing terminal o gamiting lugar para kumpunihan ang mga sasakyan.
Ang ordinansa ay iniakda nina Councilors Ramon “Toto” Medalla, Victor Ferrer, Jr. at Anthony Peter Crisologo na ngayon ay naka pending sa city council’s committees on laws, transportation and public order and safety.
Sa ngayon, matatagpuan sa QC ang provincial bus terminals na Tritran, JAC Liner, Jam Liner, Victory Liner sa Kamuning Road gayundin ang Baliwag, Victory, Partas, Dagupan bus, Five Star, Lucena Lines, Alps, DLTB at Dominion Bus Lines sa Edsa Cubao at marami pang bus terminals sa Cubao Araneta Center sa QC.
- Latest