^

Metro

Olaguer nagbitiw bilang spokesman ng BuCor

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbitiw na bilang tagapagsalita ng Bureau of Corrections (BuCor) si Monsignor Roberto ‘Bobby’ Olaguer, ang chaplain ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Sinabi Msgr. Olaguer na noong nakalipas na Lunes pa siya nagsumite ng resignation at tinanggap na umano ng pamunuan ng BuCor ang kaniyang pagbibitiw.

Hindi naman niya itinanggi na may kaugnayan ito sa naging kontrobersyal niyang mga pahayag sa engkuwentro ng mga tauhan ng New Bilibid Prison (NBP) at ng Special Action Force (SAF) sa isang raid sa bilangguan kamakailan.

Aniya, hindi naman niya maaaring bawiin ang kanyang nabitawan ng salita dahil totoo naman ito.

Nakatakda aniyang magtalaga ng bagong spokesman ang BuCor kapalit niya sa pwesto.

“Nag-resign na ako as spokesperson ng Bureau of Corrections since Monday, may nabitawan akong salita noong last week na totoo naman na nakakasira raw sa image ng bureau o ng staff, di ko naman pwede bawiin yun, tinanggap naman at mag-a-assign na lang daw ng iba,” ani Olaguer, sa church-run Radio Veritas.

Ayon kay Olaguer, bumaba ang moral ng mga kawani matapos silang pagbintangan na mga scalawags.

“Pinipilit nating itaas ang moral ng mga emple­yado, may guard kami na higit 200 nagre-training ngayon, marami pa ring matutuwid pero ni-label sila ng isa-isa sa lider natin lahat sila scalawags medyo na demoralize sila, kaya nagte-train sila sa Camp Vicente Lim, at binibigyan ko sila ng moral booster at mapalakas pa ang loob nila para di sila ma-demoralize,” ani Olaguer.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with