^

Metro

Dinukot na dalagita nasagip

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasagip ng pinagsanib na puwersa ng Valenzuela City Police, PNP Anti-Kidnapping Group, National Bureau of Investigation (NBI) at mga opisyal ng barangay ang isang dinukot na dalagita sa kamay ng kanyang kidnaper sa naturang lungsod, kamakalawa ng umaga.

 Nakilala ang suspek na si Darwin Dela Cruz, 26, alyas Gab at residente ng A. Santos Street, Brgy. Pasolo, ng naturang lungsod habang naibalik naman sa kanyang mga magulang ang 14-anyos na biktima na itinago sa pangalang Jane.

Sa ulat ng pulisya, unang humingi ng saklolo sa mga awto­ridad ang mga magulang ng dinukot na biktima na hinihinala nilang kagagawan ng manliligaw nitong si “Gab”. 

Nabatid na dalawang buwan na umanong nawawala si Jane mula nang tangayin ng suspek buhat sa Negros Oriental. 

Agad rin naman na nakipag-ugnayan ang pulisya sa Barangay Pasolo sa pamumuno ni Chairwoman Amelita Ramos. Dito natunton ng mga opisyal ng barangay ang kinaroroonan ni Dela Cruz at ng dalagita na agad namang ipinagbigay-alam sa pulisya.

Dito na sama-samang sinalakay ng pulisya at NBI dakong alas-10 kamakalawa ng umaga ang ibinigay na address ng bahay na nagresulta sa pagkakadakip kay Dela Cruz at pagkakaligtas sa dalagita. 

Nahaharap ngayon sa kasong “rape and abduction in relation to R.A. 7610 or Special Protection against Child Abuse, Exploitation and Distcrimination.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with