^

Metro

3-anyos kinatay ng adik na nanay

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil bangag sa droga, nagawang patayin sa saksak ng isang  26-anyos na ginang ang kanyang tatlong taong gulang na anak na babae, kahapon ng madaling araw sa  Navotas City.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center and biktimang si Alexa Rain Aviso, nagtamo ito ng maraming saksak ng kutsilyo sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Nasa custody naman ng pulisya ang suspect na nanay na si Jin Pelayo, nakatira sa KCC Venterdeck Kapitbahayan, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng naturang lungsod. 

Sa pagsisiyasat ni PO2 Edgar Valera, ng Navotas City Police, Criminal Investigation Division, naganap ang insidente alas-12:10 ng madaling araw sa loob ng bahay ng mag-ina sa nasabing lugar.

Nabatid na magkatabing natutulog ang mag-ina, nang magising ang suspect na biglang kumuha ng kutsilyo at pinagsasaksak ang natutulog na paslit.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspect at iniwan nito ang duguang anak.

Dinala naman ang bata ng ilang concerned citizen sa nasabing ospital, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Alas-6:00 ng umaga nang isuko sa mga pulis ng kanyang mga magulang ang ginang.

Napag-alaman na high umano sa droga ang suspect.

 “Parang nag-iiba-iba raw ang anyo ng mukha ng anak niya at sa tingin niya parang demonyo kaya nang mahawakan niya ang kutsilyo ay pinagsasaksak niya ito!,” ayon kay Supt. Bernabe Embile, deputy chief of police for Operation ng Navotas City Police.

Ang naturäng ina ay sasampahan ng pulisya ng  kasong parricide.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with