^

Metro

Ghost employees itinanggi ng Pasay VM

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinanggi kahapon ni Pasay City Vice-Mayor Marlon Pesebre ang diumano’y pagkakaroon niya ng ghost employees sa mga komite ng lungsod na kaniyang hawak at ang diumano ay illegal na paghawak niya ng mga ito.

“Lahat ng personal data sheet ng mga empleyado ay isinusumite sa Human Resources Department ng city hall. Kaya’t paano pa ako magkakaroon ng ghost employees? Kung talagang may ghost employees ako, dapat ay nakita na iyan noon pa at naireklamo na ako,” wika ni Pesebre.

Kaugnay nito, dagdag pa ng bise-alkalde, malaking kasinungalingan din ang kumakalat na malapit na siyang hulihin at ikulong ng National Bureau of Investigation (NBI).

“Wala akong kinakaharap na kaso o reklamong anuman. Kaya’t walang dahilan ang anumang ahensiya ng pamahalaan na dakpin ako at ikulong,” ayon kay Pesebre.

Hinamon ni Pesebre ang mga nagkakalat ng kasinu-ngalingan tungkol sa kaniya na magharap agad sila sa isang pampublikong komprontasyon upang malaman agad ng mga taga-Pasay kung sino ang nagsasabi ng totoo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with