^

Metro

Mister hinostage ang dalawang anak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng isang mister nang i-hostage ang kanyang dalawang anak upang makausap ang kanyang misis na nagtatrabaho sa Gitnang Silangan, Linggo ng gabi sa Caloocan City.

Sa kabila nito, hindi pa rin agad na nakausap ang kanyang misis ng suspek na si Richard Lopez, 32, ng Block 12-B Lot 10 Brgy. 18 Kaunlaran, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-8 ng gabi nang ikulong ng suspek na lango sa alak ang kanyang dalawang anak na lalaki na may edad pito at limang taong gulang habang armado­ ng isang bakal na tubo na may nakakabit na 220 volts electrical wire at plug.

 Agad na iniulat sa pulisya ng tiyahin ng mga bata ang insi­dente at rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 2 at Special Weapons and Tactics unit.

 Sa negosasyon, hiniling ng suspek sa mga pulis na maka­usap niya ang kanyang misis na nagtatrabaho sa Dubai sa loob ng dalawang taon at dapat ay nakauwi na ngayon ng bansa.  Hindi umano kinokontak ng misis ang suspek na walang trabaho at umaasa sa padalang pera ng asawa.

May hinala umano ito na dumating na ang misis at iniiwasan lamang siya kaya hinostage ang mga anak para mapuwersa ang babae na lumantad. Nagtapos ang negosasyon dakong alas-10 ng gabi nang mapayapang sumuko ang suspek makaraang pa­ngakuan na hahanapin ang kanyang misis para makausap nito.

Sa kabila nito, nahaharap ngayon sa mga kasong child abuse at light threats ang suspek sa piskalya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with