^

Metro

Asilo supporters lumipat na kay Bagatsing

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpasya nang lumipat  ang mga taga suporta ni Liberal Party, Vice-Mayoralty candidate at 1st district Congressman Benjamin “Atong” Asilo kay  Ma­yo­­ralty candidate Amado Bagatsing matapos na ihayag ni mayoralty candidate Alfredo Lim na  binitawan na niya si Asilo bilang kanyang bise-alkalde at ibinigay ang suporta sa katunggali nito na si 5th district Councilor Ali Atienza.  

Batay sa impormasyon, masamang-masama umano­ ang loob ng mga supporters ni Asilo dahil sa ginawang umano’y “paglalaglag” ni Lim sa kongresista na kung saan ay pinaniwalaan umano nila sa mga salita at pinagkatiwalaan ito.

Samantala, sa isang phone interview kahapon, malumanay subalit may tapang na sinabi naman ni Asilo na wala umano siyang pakialam kung sino ang bibitbitin ni Lim bilang vice-mayor matapos siyang ilag­lag nito. Iginiit nito na may partido siyang sinusunod na kung saan ay siya ang napili nito bilang opis­yal na kandidato sa pagka-bise alkalde sa Maynila.  

“On my part, I don’t understand his (Lim) announcement. Kung ayaw ‘nya sa akin, hindi ko pagpipilitan sarili ko sa kanya… wala akong pakialam kung sino ang bitbit niya at susuportahan niya, basta ako may obligasyon sa aking mga kababayan sa Maynila na naniniwala sa aking mga programa at adbokasiya. But definitely, I have no intention of withdrawing my candidacy, may partido akong sinusunod, hindi si Lim ang pumili sa akin, ang partido ang pumili sa akin.

 Nakalimutan yata ni Mayor Lim, hindi lang naman siya ang tumatakbong mayor, andiyan si Cong.Amado Bagatsing na dati ko ring kasama sa Liberal Party,” pahayag ni Asilo.

Si Asilo ang isa sa mahigpit na makakalaban ng batang Atienza na makakatambal naman ng nangunguna sa mayoralty survey sa Maynila na si Cong. Bagatsing dahil sa kanyang programang “tunay na pagbabago sa lungsod at sa Manilenyo”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with