^

Metro

Nangulila sa Valentine’s Day driver nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng  pagbigti sa sarili sa mismong Araw ng mga Puso sa Quezon City kahapon. Kinilala ang biktima na si Neomidez Darantan, 27, may asawa, isang delivery driver at tubong-Tumaini, Isabela.

Ayon kay PO2 Roldan Cornejo, may-hawak ng kaso, ang biktima ay nadiskubre ng isang kasamahang babae sa loob ng kubeta ng kanilang pansamantalang tinutuluyan sa 89 Malumanay St., Brgy. Teachers Village West, Quezon City ganap na alas-4:00 ng madaling-araw.

 Sa pagsisiyasat ni Mendoza, lumilitaw na ang bikti­ma ay stay-in sa kanyang pi­napasukang trabaho sa Aqua Jade Refilling Station na ma­tatagpuan sa nasabing lugar at malayo sa kanyang pamilya.

 Bago ang insidente, nakipag-inuman pa umano ang biktima sa kanyang mga kaibigan at matapos nito ay pumasok sa kanyang kuwarto saka kinandado ang pinto.

Ayon kay Mendoza, na­diskubre ang biktima ng isang kasamahang si Annie Soqueño nang magising ito at nagtungo sa kubeta.

 Pero nagtaka si Soqueño dahil hindi lumalabas ng kubeta ang biktima sanhi para katukin niya ito nang ilang ulit pero hindi sumasagot.

 Dahil dito, nagpasya si Soqueño na pumanhik ng dinding ng kanilang kuwarto saka sumilip sa nakauwang sa pagitan nito at makita ang biktima na nakabigti sa stainless pipe habang nakapalupot sa kanyang leeg ang isang sinturon.

Agad na ipinagbigay-alam ni Sequeño ang insidente sa barangay na siya namang tumawag sa himpilan ng pulisya para sa pagsisiyasat

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa bangkay ng biktima lumabas na walang nakitang ibang sugat sa katawan nito maliban sa ligature mark sa kanyang leeg.

Inaalam pa ng awtoridad kung may kinalaman ang pagkakalayo ng biktima sa kanyang pamilya sa pagpapakamatay nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with