^

Metro

P5.4M pekeng footwear nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bulto-bulto ng mga pekeng mamahaling tsinelas at mga sandals na umaabot sa P5.4 milyong halaga ang nasamsam ng mga opera­tiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit (PNP-CIDG-AFCCU) sa isinagawang raid sa isang shopping center sa Baclaran, Pasay City kamakalawa.

Sinabi ni PNP-CIDG Chief P/Director Victor Deona, alas-12 ng tanghali ng magkasunod na salakayin ng mga awtoridad ang ilang mga stalls sa 899 Shopping Center at Harrison Wholesale Trade sa lungsod.

Ang raid ay sa bisa ng search warrants na ipinalabas ng korte laban sa mga may-ari at distributors sa nasabing shopping center na nagbebenta ng mga pekeng produkto.

Ayon kay Deona, umaabot sa 5,479 piraso ng pinekeng Coolsi slippers at sandals na may tatak na Greek at may rice pattern logos na halos kapareho ng mamahaling Havaianas footwear ang ipinagbebenta ng mga tiwaling negos­yante at distributor.

Sinabi naman ni Supt. Bowenn Joey Masauding, chief ng PNP-CIDG-AFCCU na ang raid ay bunsod ng reklamo ni Hechanova Bugay Vilchez at mga abogado ng Arcadio-Anday kay Deona.

Humingi ang mga ito ng tulong para imbestigahan at patawan ng kaukulang kaparusahan ang mga distributors at negosyanteng nagbebenta ng mga pineke nilang mamahaling produkto.

Ang mga nasamsam na produkto, ayon pa sa opisyal ay pansamantala namang inilagay sa isang bodega sa Las Piñas City habang inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa mga tiwaling distributor at negosyante.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with