^

Metro

10-anyos patay sa kuryente

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 10-an­yos na batang lalaki makaraang makuryente sa bubu­ngan ng kanilang bahay nang sumunod sa ama na naglilinis sa rooftop, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Wala nang buhay nang maisugod sa Bernardino Hos­pital sa Quezon City ang biktimang si George Matthew Martin, residente ng  Constellation Homes, Brgy. 177 Camarin, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:50 ng hapon sa bubungan ng bahay ng pamilya Martin. Nabatid na nililinisan umano ni George Martin, ama ng biktima, ang kanilang bubungan nang sumunod ang anak ng hindi nito namamalayan.

Biglang bumuhos ang ulan kaya itinigil nito ang paglilinis. Dito nito narinig ang pag-iyak ng anak na bumagsak sa bubungan. Agad na sinigawan ng ama ang mga kasamahan sa bahay na patayin ang suplay ng kuryente na dumadaloy sa bubungan at sinaklolohan ang anak.

Agad na isinugod ni Martin ang anak sa nabanggit na pagamutan ngunit idineklara itong wala nang buhay dakong alas-2:12 ng hapon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BERNARDINO HOS

BIGLANG

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CONSTELLATION HOMES

GEORGE MARTIN

GEORGE MATTHEW MARTIN

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with