^

Metro

Protesta sa pagtapyas ng budget sa SUCs: UP students nag-walk out sa klase

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakiisa sa mala­wa­kang kilos protesta ang mga estudyante ng University of the Philip­pines (UP) Diliman ma­tapos na mag-walk out ang ilan sa mga ito sa kanilang mga klase, kahapon ng umaga.

Bitbit ang kanilang mga karatula nang pagtutol sa naka-ambang pagbawas ng pondo ng kanilang unibersidad tulad ng “No to 2.28 billion budget cut in UP”, “ Oppose Neoliberal Policies on Education”, “Education not for sale”, “Junk Constly Dorm Fees” at iba pa, nagsagawa ng kilos protesta sa loob ng kanilang unibersi­dad ang mga mag-aaral.

Ang kilos protesta ay pakikiisa ng mga estudyante ng UP sa iba pang state universities bunga ng pagkadismaya sa administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa tuition fee hike.

Ganap na alas-12 ng tanghali nang simulan ng mga estudyante ang walkout na pinangunahan ng mga League of Filipino Student, Kaba­taan Party-list at iba pa.

Dito ay ipinakita ng mga estudyante ang pagkontra sa planong pagkaltas ng gobyerno sa alokasyon para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa  59 SUCs at sa capital outlay  ng may 40 iba pang mga State Universities and Colle­ges (SUCs) sa 2016 kung saan ang UP ay matatanggalan umano ng P2.2 bilyon pondo na maaari sana umanong magamit pa sa konstruksyon ng mga bagong gusali at pagbili ng iba pang asset.

vuukle comment

ACIRC

ANG

JUNK CONSTLY DORM FEES

LEAGUE OF FILIPINO STUDENT

MAINTENANCE AND OTHER OPERATING EXPENSES

MGA

OPPOSE NEOLIBERAL POLICIES

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SHY

STATE UNIVERSITIES AND COLLE

UNIVERSITY OF THE PHILIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with