^

Metro

Melissa Mendez pormal nang kinasuhan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pormal nang sinampahan ng kaso kahapon sa Pasay City Prosecutor’s Office ang aktres na si Melissa Mendez matapos umano nitong suntukin ang isang negosyante  habang nakasakay sila sa eroplano noong Biyernes ng umaga (Marso 20).

Si Mendez ay sinampahan ng kasong Slander by Deed defined and penalized under Article 359 of the Revised Penal Code. Ang complainant naman nito ay nakilalang si Rey N. Pamaran.

Base sa anim na pahinang complaint affidavit  na isinumite ni Pamaran kay Senior Deputy Pro­secutor Dolores Re­llera, ng Pasay City Prosecutor’s Office, noong Marso 20, 2015, alas-6:40 ng umaga, habang siya ay nasa NAIA, Terminal III, pa­tungo ng Pagadian City at kasama ang ka­ibi­gan at mo­delong si Andrew Wolf.

Nabatid na inokupahan ni Mendez ang nakalaang upuan ni Pamaran na rito na nga nagsimula ang mga pagtatalo dahil ayaw umanong umalis ni Mendez sa upuan.

Sabay na nagsalita ng maaanghang na kataga  si Mendez at sinabihan nito si  Pamaran na “hindi mo ba ako kilala” sumagot naman ito na hindi niya kilala ang aktres.

Ang pagtatalo ng da­lawa ay nauwi sa panu­nuntok ni Mendez kay Pa­maran samantalang si Wolf ay umaawat naman sa mga ito.

Dahil sa komosyon ay kinailangan ng eroplano na bumalik ng NAIA para lumapag at ibaba sa  eroplano  si Mendez.

Nabatid na humingi naman ng paumanhin ang actress sa kanyang ginawa subalit kinakitaan ito ni Pamaran na hindi sinsero kaya itinuloy niya ang kaso.

vuukle comment

ANDREW WOLF

DOLORES RE

MARSO

MELISSA MENDEZ

MENDEZ

NABATID

PAMARAN

PASAY CITY PROSECUTOR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with