^

Metro

Kelot binistay ng bala

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang binata na may standing­ warrant of arrest sa kasong frustrated murder ang nasawi makaraang barilin ng hindi nakikilalang salarin sa isang lugar sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ni PO2 Louie Serbito, ang biktima na si Rafael Aranda, 29, ng Barrio Capri, Novaliches sa lungsod.

Blangko naman ang pu­lisya sa pagkakakilanlan ng nasabing suspect na agad na tumakas makaraan ang pamamaril.

Nangyari ang insidente sa harap ng isang bahay na matatagpuan sa Block 20, Lot 19, Friendly Avenue, Northview Subdivision, Brgy. Nagka­isang Nayon, Novaliches, ganap na alas-7 ng gabi.

Sa imbestigasyon, lumitaw na ang biktima ay dati nang may standing warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 224 dahil sa kasong frustrated murder at may kaakibat na piyansang P200,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan mula sa kalibre 9mm na baril. Inaalam pa ang motibo ng nasabing krimen.

vuukle comment

AYON

BARRIO CAPRI

BLANGKO

FRIENDLY AVENUE

LOUIE SERBITO

NORTHVIEW SUBDIVISION

NOVALICHES

RAFAEL ARANDA

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with