^

Metro

Truck hulog sa creek: 3 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang tatlong katao nang mahulog ang sinasak­yang 14-wheeler truck sa isang creek sa may southbound lane ng C-5 Road sa Taguig City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng Taguig City Traffic Bureau, ang driver na si  Ben Helsano at dalawang  pahinante nito ay nasugatan sa nasabing insidente na naganap alas-3:00 ng madaling- araw sa harapan ng Libingan ng mga Bayani sa south-bound lane ng kahabaan ng C-5 Road ng naturang siyudad.

Nabatid kay Helsano, mina­maneho niya ang 14-wheeler truck kasama ang kanyang dalawang pahinante at may karga na mga metal scraps na nagmula sa Valenzuela City at dadalhin sa San Pedro, Laguna.

Idinagdag nito, iniwasan niya ang isang trak na nag-u-turn,  ngunit nawalan siya ng kontrol sa manibela dahil sa madulas na kalsada sanhi nang  pag-ulan kaya sila nagtuluy-tuloy sa creek. Inabot din ng  mahigit isang oras bago na­iangat ang naturang truck sa creek.

Nagdulot naman ng bahagyang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa naturang lugar ang aksidente.

vuukle comment

AYON

BAYANI

BEN HELSANO

HELSANO

IDINAGDAG

SAN PEDRO

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY TRAFFIC BUREAU

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with