^

Metro

Nagtalo sa ingay ng aso: Mister binoga ng kapitbahay, 1 pa nadamay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos magtalo dahil lamang sa ingay ng kahol ng alagang aso, isang mister ang binaril ng kanyang kapitbahay kung saan isa pa ang nadamay at tinamaan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nasa ligtas nang kalagayan ay nagtamo ng tama ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril sa braso na tumama pa sa dibdib nito ay na­kilalang si Leonel Abobo.

Nadamay din na ti­namaan ang isa pang kapit­bahay na si Jessa Palma, 23, residente rin ng Vanguard St., Barangay 178 Camarin ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Patrick Mira.

Sa nakalap na impormasyon ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, na­ganap ang insidente alas-8:00 ng gabi sa naturang lugar.

Kasalukuyang natutulog ang pamilya Abobo nang mabulahaw ang mga ito dahil sa ingay ng aso ng suspek­ na panay ang kahol­.

Dahil dito, nakiusap ang biktima sa suspek na kung maaari patigilin ang kanilang aso, subalit, dahil may matagal nang alitan ang mga ito kaya ang usapan ay nauwi sa matinding pagtatalo.

Noong una ay nagsuntukan muna ang dalawa at dahil nadehado ang suspek kung kaya kumuha ito ng baril at pinutukan ang kapitbahay na si Abobo. Tinamaan naman ng ligaw na bala si Palma.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek dala ang ginamit na baril habang isinugod naman sa pagamutan ang mga biktima.

vuukle comment

ABOBO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

JESSA PALMA

LEONEL ABOBO

MATAPOS

PATRICK MIRA

STATION INVESTIGATION DIVISION

VANGUARD ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with