^

Metro

Gasolinahan hinoldap ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa P20,000 cash ang nilimas matapos holdapin ng riding-in-tandem gunmen ang isang gasolinahan sa kahabaan ng East Avenue, Barangay Pinyahan, Quezon City, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng Quezon City PNP District Station 10, bandang alas-8:15 ng gabi nang nagpanggap na kostumer ang tandem na magpapa­karga ng gasolina.

Habang kinakargahan ang motorsiklo, bumaba naman ang angkas ng rider at nagtungo sa kahera sabay tutok ng baril saka nagdeklara ng holdap. Nang makuha ang malaking halaga ay mabilis na umangkas sa motorsiklo ang backrider saka  sumibat papalayo sa nasabing gasolinahan.

Ilang bystander ang nakapuna sa insidente kaya tinangka nilang habulin ang tandem subalit pinaputukan sila hanggang sa makalayo sa crime scene.

 

vuukle comment

AABOT

BARANGAY PINYAHAN

DISTRICT STATION

EAST AVENUE

HABANG

ILANG

NANG

QUEZON CITY

TANDEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with