^

Metro

Trike driver itinumba ng 4 na rider

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang tricycle driver makaraang pagbaba­rilin ng apat na kalalakihang sakay ng tig-isang motorsiklo sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay PO2 Louie Serbito, nakilala ang nasawi na si  Johnny Bonifacio, 38, ng  7 Phase 2, Purok 1, Payatas sa lungsod.

Pawang nakasuot ng helmet ang mga suspect na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Aklan St., Block 7, Phase 3, Lupang Pa­ngako, Payatas B, sa lungsod ganap na ala-1:30 Martes ng hapon.

Sinasabing sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek at pagbabarilin ito.

Sabi ng isang Ronaldo Avengosa, assistant administrator ng barangay, kasalukuyan siyang na­nanghalian nang marinig niya ang mga putok ng baril na nagmumula sa labas ng kanyang bahay.

Nang kanyang tignan ang pinagmulan ng putok ay saka niya nakita ang walang buhay na katawan ng biktima habang nakahandusay sa kalye at naliligo sa dugo.

Sa pagsisiyasat ng SOCO narekober sa lugar ang 12 piraso ng basyo ng bala ng kalibre .45 baril at pitong piraso ng basyo ng kalibre .9mm na ginamit sa biktima.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa naturang pamamaslang.

vuukle comment

AKLAN ST.

AYON

BULAGTA

INAALAM

JOHNNY BONIFACIO

LOUIE SERBITO

LUPANG PA

PAYATAS B

RONALDO AVENGOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with