^

Metro

Holdaper na taxi driver, sumalakay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling umatake ang mga holdaper na nagpapanggap na taxi driver makaraang mabiktima ang isang ginang ng dalawang salarin, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Sa pahayag sa pulisya ng biktimang si Luzviminda Marcos, 45, alas-9:30 ng gabi ay sakay siya ng taxi na hindi na nakuha ang plaka at pagsapit sa Sangandaan ng lungsod ay pinara ng isang lalaki.
Nagulat ang biktima nang hintuan ng taxi driver ang lalaki at hinayaan makapasok sa loob ng sasakyan.  Dito tinutukan ng holdaper si Marcos ng patalim at sapilitang tinangay ang P29,000 cash na gagamitin sana nito sa pamamakyaw ng isda.

Matapos malimas ang pera, sapilitang pinababa ng holdaper si Marcos sa taxi saka humaharurot na tumakas. Sinabi ng biktima na aral na sa kanya ang insidente kaya sa susunod na sumakay ng taxi ay agad na kukunin na ang plaka nito at body number.

 

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DITO

HOLDAPER

LUZVIMINDA MARCOS

MARCOS

MATAPOS

NAGULAT

SANGANDAAN

SINABI

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with