^

Metro

‘Robin Padilla’, 2 pa huli sa holdap

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong holdaper  kabilang ang isang kapangalan ng action star na si Robin Padilla na nambibiktima sa mga UV Express ang nadakip sa isinagawang follow-up operation  ng mga pulis kahapon sa  Pasay City.

Nakakulong ngayon sa Pasay City detention cell ang mga suspek na sina Jeo Lavadia, 18; Kris Lloren 18, at Robin Padilla, 23.

Sa report na natanggap ni Chief Inspector Angelito De Juan, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police   alas-4:30 ng madaling araw nang sumakay ang mga suspek sa isang UV Express na may plakang UWG-199 at ang driver nito ay si Tato Kasam, 36, na biyaheng Lawton-Sucat sa CCP Complex, Roxas Boulevard ng naturang lungsod.

Pagsapit sa fly-over ng Buendia Avenue, Pasay City ay nagdeklara ang mga ito ng holdap at tina­ngay ang mga mahahalagang gamit, cellphone, laptop, at pera ng mga pasahero at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Kaagad namang nag­lunsad ng follow-up ope­ration ang mga kagawad ng Pasay City Police, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.

Sinampahan na ang mga suspek ng kasong robbery-hold-up sa Pasay City Prosecutor’s Office at nabawi mula sa mga ito ang perang P45,000, tablet at mahahalagang mga kagamitan na kinulimbat sa mga pasaherong nabiktima.

vuukle comment

BUENDIA AVENUE

CHIEF INSPECTOR ANGELITO DE JUAN

JEO LAVADIA

KRIS LLOREN

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY PROSECUTOR

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with